Latest on Instagram

Indie Manila and Support Your Local Indie Scene team up for UNSTOPPABLE

Indie Manila and Support Your Local Indie Scene team up for UNSTOPPABLE

Estimated: 4 mins  reading

Support Your Local Indie Scene (S.L.I.S.) and Indie Manila are teaming up to bring you a new live music series called "UNSTOPABBLE". The collab has been in the works since last year, when the boys of S.L.I.S.—Algiro Velasquez and Rapi Serrano—met Bel Certeza, the one-woman force behind Indie Manila. 

In this conversation with Bel and Algiro, we talk about how Bandwagon brought them together, how the idea for the collaboration came about in the first place, and dedicating this series to the memory of dear friend and S.L.I.S. co-founder, Rapi Serrano.

Singapore-based live music photographer, Jensen Ching with Rapi Serrano and Algiro Velasquez of S.L.I.S. (Photo by Bel Certeza/ IndieManila)


Bel: Nasa car kami non papunta kina Rayms (Marasigan) tapos, ayun, kwentuhan, tapos sabi ni Rapi, paano daw mag produce ng gig. Diba Al? Naalala mo?

Algiro: Yes. Naalala ko. December pa 'tong plano namin; ngayon lang siya natuloy.

Bel: Tapos sabi ko why not mag-collab kami since I already know the way around the scene like bars, pag-approach sa bands. Diba pati bands na gusto for the lineup napag-usapan din noon kina Rayms?

Algiro: Originally ang plano namin dapat sa Mow's siya gagawin. Eh, since may regular gigs na ang Indie Manila sa Route, doon na siya natuloyTapos halos lahat ng favorites ni Rapi, lalo na Loop pati Halik ni Gringo.

Bel: Cheats din fave niya. This is just our way of fulfilling our promise na gagawa kami ng gig together.

Algiro: Tapos yung Audio City mga friends ni Rapi from church niya. Binigyan ko sila spot sa lineup kasi alam ko gustong gusto nila makatugtog.

Bel: Yes, kaya exciting 'tong gig na 'to, kasi malapit kay Rapi yung tutugtog. Hahaha. Yung S.L.I.S, isa yan sa mga naging malapit na friends ng IndieManila sa scene, sila ni Rapi. Kaya grabe yung iyak ko when I found out wala na si Rapi. 

Algiro: Bandwagon ang may kasalanan kaya naging friends ang Indie Manila pati S.L.I.S. Hahaha.

Bel: Oo! TAMA. Thank you, Bandwagon!!

Camille: Oh, wow. Talaga? You're welcome, guys. 

Camille: So, di kayo magkakilala prior to meeting last year? Nahanap ko kasi si Algiro sa Internet eh. 

Bel: Yes, pero I follow them on Instagram

Algiro: Yes, hindi pa. Haha. Nagkakilala lang kami sa mismong event niyo talaga.

Bel: Ang galing nga eh, nagkapalagayan agad ng loob. Tapos after noon, nag-aayaan na sa gigs, ganyan.

Algiro: Di ka naman kasi mahirap pakisamahan, Bel, hehe. Friends agad.

Bel: Nagkakasabay sa gigs, so tambay-tambay.

Algiro: Idol namin yan si Bel, masipag kasi yan pumunta sa gigs at mag-cover ng event. 

Bel: Idol ko rin sila kasi sobrang sipag nila mag-promote ng gigs. Sa kanila ako minsan nakaka-kuha ng idea kung san ako pupunta. Anyway, this was the beginning ng prod na Unstoppable na collab nga namin ng S.L.I.S. We might do it every three months since may regular slot nga sa Route ang IndieManila every second Thursday ng month. So iyon din 'yung way para makapag-lineup ng medyo mas mabigat ang tugtugan kasi mas madami kilala sina Al sa South na mga hindi usual genre rito sa North. Palawakin pa ang scene at isali pa yung mga hindi na-tatap na bands sa Route 196 gigs

Algiro: So ayun pa palakaya UNSTOPPABLE yung name ng event kasi may tattoo si Rapi na 'Unstoppable'.

Bel: Oo, ayan maganda din na point. Para kay Rapi talaga yung event sa June 9.

Algiro: 'Yon ang gusto ko, mag-lineup ng medyo mabigat ang tugtugan. Kasi galing kami ni Rapi sa mga ganoong tugtugan. Nung medyo naumay kami at tumanda na, hahahah, medyo lumipat lang genre na chill na lang tugtugan. Pero di pa rin nawawala yung pakikinig namin sa mabibigat na bands. Sobrang dami rin namin gusto i-lineup bago namin na-line up yung limang yan, hirap mamili. Dami kasing magagaling na bands dito sa Pilipinas. 

Bel: So 'yon ang direction ng collab. At magagawa na 'yan, Al, dahil napaka-swerte natin at ang bait sa atin ng Route 196 (Thank you, Jugs! LOL)

Algiro: Sabi mo pa. Hahaha. Yung hashtag pala ng event namin, #unstoppaBel. Kasi sobrang daming event ni Bel. Di mapigilan, tsaka, syempre, kung wala si Bel, di matutuloy yung event namin.


Unstoppable is a monthly live series by Support Your Local Indie Scene and Indie Manila (every second Thursday of the month) at Route 196. The first gig happens on Thursday, June 9 at 8pm.